Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa Ministri ng Yamang-tubig ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, nagpadala na ang ministring ito ng mahigit 1.2 libong tauhan sa nilindol na purok ng Sichuan para sa buong higpit na pagmomonitor sa lahat ng mga apektadong reservoir at quake lake.
Ayon sa naturang ministri, sa pamamagitan ng mga isinagawang hakbangin, nasa ilalim ng kontrol ang lahat ng mga apektadong reservoir at napahupa ang mapanganib na kalagayan ng ilang quake lake. Kaugnay ng isang quake lake sa Beichuan na pinakamapanganib ang kalagayan, naisasagawa ang mga hakbangin para maiwasan ang panganib.
Salin: Liu Kai
|