• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-27 17:58:40    
Wu Bangguo, patuloy sa pagsusuri sa kalagayan ng lindol sa Sichuan

CRI

Patuloy ngayong araw si Tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina sa pagsusuri sa kalagayan ng lindol sa Lalawigang Sichuan.

Ngayong umaga, magkasunod na naglakbay-suri si Wu sa Bayang Yingxiu, isa sa mga lugar na pinakagrabeng naapektuhan sa lindol at sa isang reservoir. Ngayong hapon, pumunta siya sa isang lugar na mapapanuluyan para kumustahin ang mga apektadong tao.

Si Wu ay dumating kahapon ng Chengdu ng Sichuan. Nang araw ring iyon, pumunta siya sa isang ospital sa Chengdu para kumustahin ang mga nasugatan sa lindol at mga tauhang medikal at pumunta rin siya sa istasyon ng tren para magsuri sa kalagayan ng paghahatid ng mga materyal na panaklolo.

Salin: Liu Kai