|
Ayon sa ulat ngayong araw ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, bagama't natuklasan ang ilang kaso ng nakahahawang sakit sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan, wala pang naiuulat na malaking epidemiya.
Ayon pa rin sa di-kumpletong estadistika ng ministring ito, hanggang ngayong tanghali, lumahok sa gawaing panaklolo ang halos 140 libong tauhang medikal mula sa buong bansa. Sa kasalukuyan, sumasaklaw sa iba't ibang lugar ng nilindol na purok at mga tuluyan ng apektadong tao ang serbisyong medikal, serbisyo ng pagpigil sa epidemiya at materyal na medikal.
Salin: Liu Kai
|