Nang kapanayamin ngayong araw sa Beijing ng mamamahayag ng CRI, lubos na pinapurihan ni Syed Norulzaman, embahador ng Malaysia sa Tsina, ang gawaing paghahanda para sa Beijing Olympic Games.
Sinabi ni Norulzaman na epektibo ang mga gawaing paghahanda ng Beijing at nananalig siyang magtatagumpay ang Olimpiyadang ito.
Sinabi rin ni Norulzaman na nitong 3 taong nakalipas sapul nang manungkulan siya bilang embahador sa Tsina, nakikita niya ang napakabilis na pag-unlad ng Beijing.
Salijn: Liu Kai
|