Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si He Yong, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kay Asang Laoly, Kagawad ng Komite Sentral ng Laos People's Revolutionary Party at Pangalawang Punong Ministro ng Laos.
Sinabi ni He na nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay at malusog at malalim na umuunlad ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Laos at natamo ang malaking bunga.
Sinabi naman ni Asang Laoly na sa proseso ng pag-unlad ng dalawang partido at bansa, kinakaharap nila ang parehong problema at hamon at kailangang pag-aralan ng Laos ang mga mabuting karanasan ng Tsina sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayaa, paglaban sa korupsyon at pagtataguyod ng malinis na pamahalaan at iba pang larangan.
Salin: Andrea
|