|
Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw ng panig opisyal ng Tsina, hanggang alas-12 ngayong araw, 68109 na tao ang nasawi sa lindol sa Wenchuan sa Lalawigang Sichuan, nasugatan ang mahigit 360 libo, nawawala ang halos 20 libo at naapektuhan ang mahigit 45.6 milyon.
Bukod dito, inilaan na ng mga pamahalaang Tsino sa iba't ibang antas ang mahigit 19.5 bilyong yuan RMB sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo, at natanggap ng buong bansa ang mahigit 34.7 bilyong yuan RMB na ini-abuloy na pondo at bagay mula sa loob at labas ng Tsina.
Salin: Ernest
|