|
Binigyan-diin kahapon dito sa Beijing ni He Guoqiang, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng Tsina, na dapat totohanang palakasin ang pagsusuperbisa at pamamahala sa mga pondo at materyal na panaklolo para igarantiya ang paggamit ng mga pondo at materyal na panaklolo sa mga nabiktimang mamamayan at purok na kalamidad.
Sa pulong ng pag-uulat ng mga gawain sa pagsusuperbisa at pamamahala sa mga pondo at materyal na panaklolo na idinaos nang araw ring iyon sa Beijing, tinukoy ni He Guoqiang na dapat itatag ang leading group sa pagsusuperbisa at pamamahala sa mga pondo at materyal na panaklolo sa pakikibaka laban sa lindol at gawaing panaklolo at totohanang palakasin ang pamumunuan.
Salin:Sarah
|