• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-29 17:08:20    
Komunidad ng daigdig, patuloy na ipinagkakaloob ang tulong sa mga nilindol na purok ng Tsina

CRI
Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy na ipinagkakaloob ng komunidad ng daigdig ang tulong sa mga purok na grabeng apektado ng napakalakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan, at sa iba't ibang paraan, patuloy na nagpahayag ang mga lider ng mga bansa at organisasyong pandaigdig ng pakikidalamhati sa mga purok at mamamayan na apektado ng lindol na ito.

Ang mga ini-abuloy na tolda ng Defense Logistics Agency ng E.U. at mga iba pang relief supplies na ini-abuloy ng pamahalaan ng estadong Hessen ng Alemanya ay dumating ng Shuangliu airport ng Chengdu kahapon ng hapon.

Sa pamamagitan ng Ministring panlabas ng Tsina, magkahiwalay na iniabot kahapon ng mga embahador ng Morocco at Sudan sa Tsina ang ini-abuloy na pondo ng hari ng Morocco at pamahalaan ng Sudan para sa mga nilindol na purok ng Tsina.

Si Hamid Karzai, pangulo ng Afghanistan, ay pumunta kahapon sa embahadang Tsino sa Afghanistan para magpahayag ng pakikidalamhati sa mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina. Sa punong himpilan ng UN sa Nairobi, idinaos kahapon ang seremoniya bilang pakikidalamhati at pagdasal para sa mga nasawi sa naturang lindol. Sa magkakahiwalay na okasyon, nakidalamhati kamakailan sa panig Tsino sina pangulong Shimon Peres ng Israel, pangkalahatang kalihim Surin Pitsuwan ng ASEAN at iba pa.

Salin:Sarah