Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw sa Bangkok kay Zhang Jiuheng, embahador ng Tsina sa Thailand, ipinahayag ni prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand na lubos niyang sinusubaybayan ang gawaing panaklolo sa nilindol na purok ng Tsina at umaasang mag-abuloy ng 10 milyong yuan RMB para maitayo ang isang paaralan sa panahon ng rekonstruksyon.
Sinabi rin niyang hiniling na niya sa may kinalamang panig ng Thailand na gawin sa lalong madaling panahon ang 1 libong tolda para sa Tsina.
Pinsalamatan naman ni Zhang ang royal family, pamahalaan at mga mamamayan ng Thailand sa kanilang pagbibigay-tulong sa Tsina pagkaraang maganap ang lindol.
|