• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-30 21:08:21    
Hu Jintao, nakipag-usap sa pangkalahatang kalihim ng CPV

CRI
Nakipag-usap ngayong araw sa Beijing si Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at pangulo ng estado, kay Nong Duc Manh, dumadalaw na pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV. Binigyan nila ng mataas na pagtasa ang natamong progreso ng relasyon ng dalawang partido at bansa at sinang-ayunang magkasamang magsikap para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Hu na dapat magsikap ang dalawang panig para patuloy na mapalakas ang kooperasyon sa mga larangan ng kultura, edukasyon, siyensiya, teknolohiya, agrikultura at iba pa at pagpapalitan ng kabataan, maayos na mahawakan ang mga isyu sa relasyon ng dalawang bansa, patuloy na mapahigpit ang pagsasanggunian at pagkokoordina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at mapangalagaan at mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.

Ipinahayag naman ni Nong na nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para buong sikap na maipatupad ang mga komong palagay at winewelkam niya ang pamumuhunan ng Tsina sa mga malaking proyekto sa Biyetnam. Umaasa rin siyang igagarantiya ng dalawang panig ang demarkasyon at paglalagda sa dokumento sa pamamahala sa hanggahan sa loob ng taong ito.

Salin: Liu Kai