Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Wen Jiabao, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at premiyer ng bansa, kay Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV.
Sinabi ni Wen na pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Biyetnam sa estratehikong pananaw. Ipinahayag niyang para mapasulong ang relasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel batay sa kasalukuyang mainam na pundasyon, dapat pabilisin ang pagtatalakay hinggil sa paglalagda sa panlimahang-taong plano sa pagpapaunlad ng kooperasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam at isagawa ang mga mas mabisang hakbanging may mutuwal na kapakinabangan sa aspekto ng paggagalugad ng pamilihan at pagpapalawak ng pamumuhunan. Anya pa, aktibong kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang konstruksyon ng sona ng kooperasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng Tsina at Biyetnam.
Sinang-ayunan ni Nong ang naturang mga mungkahi ni Wen. Sinabi rin niyang magsisikap ang Biyetnam, kasama ang Tsina, para maipatupad ang mga narating na komong palagay ng dalawang panig at mapasulong ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan sa mas magandang kinabukasan.
Salin:Sarah
|