Sa bangkete pagkatapos ng seremonya ng pagbubukas ng ika-7 Asia Security Summit na idinaos kahapon sa Singapore City, ipinahayag ni punong ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na gumaganap ang Tsina ng pahalaga nang pahalagang papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi ni Lee na pinahigpit ng Tsina ang pakikipag-ugnayan sa UN Security Council, aktibong lumalahok sa mga aksyong pamayapa at nagpadala ng mga tropang pamayapa sa East Timor, Kosovo, Darfur at iba pang rehiyon. Ang mga ito anya ay pinag-uukulan ng pansin at binibigyan ng mataas na pagtasa ng buong daigdig.
Pinapurihan din ni Lee ang mga aksyon ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa gawaing panaklolo pagkaraang maganap ang lindol sa Sichuan at ipinalalagay niyang nagpapakita ito ng pagbubuklod ng Tsina.
Salin:Sarah
|