Natapos ngayong araw ng 50-tao na grupong medikal ng Tsina ang gawaing panaklolo sa mga lugar ng Myanmar na sinalanta ng bagyo at umuwi ito sa bansa.
Sa dalawang linggong pananatili sa Myanmar, binigyang-lunas ng grupong ito ang mahigit 3 libong nasugatan.
Bago ang pag-alis, iniabuloy nito ang isang pangkat ng materyal na medikal na kinabibilangan ng mga ambulansiya, kagamitang medikal, gamot at iba pa sa relief department ng Myanmar.
Salin: Liu Kai
|