|
Ayon sa ulat ngayong araw ng pamunuan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa gawaing panaklolo ng lindol, hanggang alas-12 ngayong umaga, 68977 tao ang nasawi sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, mahigit 367 libo ang nasugatan, 17974 ang nawawala, mahigit 15 milyon ang inilipat at mahigit 4.5 milyon ang naapektuhan.
Hanggang alas-12 ngayong umaga, halos 90 libong tao lahat-lahat ang binigyang-lunas sa ospital at magaling na ang halos 60 libo. 9245 nasugatan ang tinanggap ng mga iba pang lugar para mabigyang-lunas.
Hanggang alas-12 ngayong umaga, inilaan na ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ang mahigit 22.5 bilyong yuan RMB na pondong panaklolo. Tinanggap naman ng Tsina ang mahigit 40.1 bilyong yuan RMB na iniabuloy na pondo at materyal mula sa loob at labas ng bansa.
Salin: Liu Kai
|