Napag-alaman kagabi ng mamamahayag mula sa pamunuan laban sa lindol ng Ministri ng Patubig ng Tsina na nalutas na sa kabuuan ang isyu ng pansamantalang tubig-maiinom ng 9.55 milyong mamamayan sa kanayunan sa buong bansa na dulot ng kalamidad ng lindol.
Tiniyak din ng pamunuang ito ang pukos ng gawain ng paggarantiya sa pagsuplay ng tubig sa kanayunan sa susunod na hakbang, alalaong baga'y pangkagipitang pagkukumpuni ng mga sinirang instalasyon ng pagsuplay ng tubig, pagpapataas ng episyensiya ng paggarantiya ng suplay ng tubig sa mga nilindol na purok at paglutas sa isyu ng suplay ng tubig sa mga bagong itinatag na lugar na mapapanuluyan ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Vera
|