Nang sagutin dito sa Beijing kahapon ang tanong ng mamamahayag hinggil sa pagpapanumbalik sa lalong madaling panahon ng kaayusan ng pamumuhay sa mga nilindol na purok, ipinahayag ng kinauukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina na lulutasin ng Tsina ang isyu ng pabahay ng mga apektadong mamamayan nang batch-by-batch at may plano.
Ipinahayag ng naturang tauhan na ang paglutas sa pabahay ng mga apektadong mamamayan ay paunang kondisyon para sa pagpapanumbalik ng kaayusan ng pamumuhay sa mga nilindol na purok. Dapat pabutihin nang yugtu-yugto ang pagsasagawa batay sa magkakaibang kalagayan ng mga apektadong lugar at dapat may pinaplanong lutasin ang pangmalayuang pabahay sa rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad.
Sinabi pa niyang sa kasalukuyan, dapat lutasin sa lalong madaling panahon ang pansamantalang pabahay ng mga apektadong mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaloob o pag-aabuloy ng tolda at nagsasariling pagtatag ng pabahay ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Vera
|