|
Isinapubliko kaninang hapon ng tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina na hanggang alas-12 ngayong araw, 69016 na tao ang namatay sa napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina.
Hanggang alas-12 ngayong araw, 368545 tao ang nasugatan sa lindol na ito, 18830 ang nawawala at 45.55 milyong tao lahat-lahat ang naaapektuhan.
Hanggang alas-12 ngayong araw, tinanggap ng Tsina ang mahigit 41.5 bilyong yuan RMB na ini-abuloy na pondo at materyal mula sa loob at labas ng bansa at lumampas na sa 11.5 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng inilaan na pondo at materyal sa mga nilindol na purok.
Salin: Vera
|