Pagkatapos ng kanyang paglalakbay-suri sa Lalawigang Shaanxi, lugar na naapektuhan ng naganap na napakalakas na lindol sa Sichuan, nagsuri kahapon si pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Lunsod ng Longnan ng Lalawigang Gansu, isa pang apektadong lugar ng lindol.
Kinumusta ni Hu ang mga apektadong mamamayan at sundalo't pulis na kalahok sa gawaing panaklolo sa lokalidad.
Pumunta rin si Hu sa isang lokal na ospital at kinumusta ang mga nasugatan at tauhang medikal. Pinasalamatan din niya ang isang grupong medikal ng Pakistan na nagbibigay-tulong sa gawaing medikal sa ospital na ito.
Sa kanya namang paglahok sa isang pulong kagabi, tinukoy ni Hu na dapat itakda ang mga patakaran at hakbangin ng pagpapasulong ng pagpapanumbalik ng produksyon na makatuon sa mga aktuwal na isyu, bawasan ang epekto sa kaunlarang pangkabuhayan ng dulot ng lindol at lubos na pakilusin ang kasiglahan ng iba't ibang sirkulo para sa rekonstruksyon.
Salin: Liu Kai
|