• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-02 16:38:39    
Nong Duc Manh, natapos ang pagdalaw sa Tsina

CRI
Si Nong Duc Manh, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam o CPV, ay lumisan kaninang hapon ng Nanjing, isang lunsod ng lalawigang Jiangsu ng Tsina, at natapos ang kanyang 4 na araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina.

Sa paanyaya ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mula noong ika-30 ng Mayo hanggang ngayong araw, isinagawa ni Nong Duc Manh ang opisyal na mapagkaibigang pagdalaw sa Tsina. Sa panahong ito, nag-uusap si Hu Jintao at Nong Duc Manh, at sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo kay Nong Duc Manh sina Wu Bangguo, tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, Premiyer Wen Jiabao, at Jia Qinglin, tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Ipinalabas kahapon ng Tsina at Biyetnam ang magkasanib na pahayag.

Salin:Sarah