• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-04 16:43:56    
Kauna-unahang porum ng koridor na pangkabuhayan ng GMS, idaraos sa Kunming

CRI

Ayon sa salaysay ngayong araw ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, idaraos sa Kunming, lunsod sa timog kanlurang Tsina, sa ika-6 ng buwang ito ang kauna-unahang porum ng koridor na pangkabuhayan ng Greater Mekong Subregion (GMS).

Sa panahon iyan, isasagawa ng mga opisyal at dalubhasa mula sa Tsina, Kombodiya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam ang pagtalakay at pananaliksik hinggil sa kung papaanong gagamitin ang umiiral na bentahe sa transportasyon, yaman at posisyon upang mabawasan at mapawi ang kahirapan, katigan at mapasulong ang magkakasamang pag-unlad sa paligid ng koridor na pangkabuhayan.

Ang kooperasyong pangkabuhayan ng GMS ay isang mekanismo ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan na itinaguyod ng Asian Development Bank noong 1992 na magkakasamang nilahukan ng 6 na bansa sa paligid ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kombodiya, Laos, Myanmar, Thailand at Biyetnam.

Salin: Vera