• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-05 16:57:06    
Apektadong mamamayan, tinutulungan ang sarili sa pamamagitan ng produksyon

CRI

Nitong nakalipas na ilang araw, isinasagawa sa iba't ibang bayan at lunsod sa Lalawigang Sichuan ng Tsina na grabeng naapektuhan ng lindol ang rekonstruksyon at pagtulong sa sarili sa pamamagitan ng produksyon pagkaraan ng kalamidad.

Ayon sa salaysay, tiniyak na ang timetable para sa plano sa pagpapanumbalik ng produksyon ng mga bahay-kalakal na industryal sa nilindol na purok sa Sichuan, alalaong baga'y sa loob ng isang buwan, malalaman sa kabuuan ang kalagayan ng mga naapektuhang bahay-kalakal; sa loob ng 3 buwan, tutulungan ang mga may kayang bahay-kalakal na magkakasunod na panumbalikin ang produksyon; at sa loob ng isang taon, ganap na isasaoperasyon ang proyekto ng rekonstruksyon ng lahat ng mga bahay-kalakal.

Ayon sa pamunuan laban sa lindol ng Lalawigang Sichuan, sa kasalukuyan, nanumbalik na sa produksyon ang karamihan ng mga bahay-kalakal sa Chengdu, Deyang, at Miyanyang na ang taunang kita ay lumampas sa 5 milyong yuan RMB bawat taon, at nanumbalik na sa produksyon ang halos 95% ng bahay-kalakal sa Chengdu at mahigit 60% ng bahay-kalakal sa Deyang at Mianyang.

Salin: Vera