Sa kanyang talumpati kahapon sa ika-8 pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng UN sa Geneva, ipinahayag ni Ke Yousheng, miyembro ng delegasyong Tsino, na aktibong kinakatigan ng kanyang bansa ang ASEAN at UN na gumaganap ng konstruktibong papel sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon pagkaraan ng bagyo sa Myanmar at ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon ay mga makataong suliranin, kaya hindi sinasang-ayunan ng Tsina na isapulitika ito.
Sinabi ni Ke na sa kabila ng mga kahirapan na dulot ng bagyo, isinagawa noong isang buwan ng pamahalaan ng Myanmar ang reperendum sa bagong konstitusyon at ipinasiyang isasagawa ang pambansang halalan sa taong 2010. Anya, ito ay mga konkretong hakbangin ng pamahalaan ng Myanmar para maipatupad ang 7 puntong roadmap to democracy.
Binigyang-diin din ni Ke na ang pundamental na paglutas sa isyu ng Myanmar ay depende sa sariling pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar at dapat maunawaan ng komunidad ng daigdig ang aktuwal na kahirapan na kinakaharap ng Myanmar sa proseso ng konstruksyon ng bansa at pagpapasulong ng pambansang rekonsilyasyon.
Salin:Sarah
|