Binigyan kahapon sa Geneva ni tagapagsalita Veronique Taveau ng UN International Children's Emergency Fund ng mataas na pagtasa ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa pagpapanumbalik ng edukasyon sa mga mag-aaral sa nilindol na purok at ipinahayag niyang ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa mga bata at edukasyon.
Sinabi rin ni Taveau na ipinalalagay na ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ang rekonstruksyon ng paaralan sa pinakamahalagang posisyon, ngunit sa kasalukuyan, kinakaharap din ang mga kahirapan na kulang sa tolda, kagamitang pang-edukasyon, pasilidad ng sanitasyon at mental counselor.
Salin: Liu Kai
|