Sinabi ngayong araw ni Mao Qun'an, tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, hindi naganap sa nilindol na purok ng lalawigang Sichuan ng Tsina ang malaking kalagayang epidemiko at biglaang insidente ng kalusugang pampubliko.
Sa news briefing na idinaos sa Beijing nang araw ring iyon, inilahad ni Mao na pagkaraang maganap ang napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Sichuan, nagpadala ang mga may kinalamang departamento ng Tsina ng mahigit 10 libong may kinalamang propesyonal na tauhan sa sinalatang purok ng Sichuan. Sa kasalukuyan, natapos sa kabuuan ang malawakang gawain sa tulong na medikal at komprehensibong isinasagawa ang iba't ibang gawain na gaya ng pagpigil sa epidemiya, pagsusuperbisang pangkalusugan at iba pa.
Salin: Ernest
|