Sa Shijiazhuang Army Command College ng People's Liberation Army ng Tsina. Binuksan dito ngayong araw ang simposyum ng mga hukbo ng Asean at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3) hinggil sa pandaigdig na pagbibigay-saklolo.
Ang mga opisyal na pandepensa at komander ng tropang panaklolo mula sa 10 bansang Asean, Tsina, Hapon at Timog Korea at opisyal ng sekretaryat ng Asean ang lumahok sa simposyum na ito.
Ang tema ng naturang 3-araw na simposyum ay pragmatikong kooperasyon ng mga hukbo ng 10+3 sa pandaigdig na pagbibigay-saklolo, at isasagawa sa simposyum ang pagtalakay at pagpapalitan hinggil sa seguridad na pambatas, pagtatatag ng mekanismong tagapagkoordina at pamantayang proseso ng pandaigdig na pagbibigay-saklolo ng mga hukbo sa balangkas ng 10+3.
Salin: Vera
|