Sa "Simposyum ng pandaigdigang saklolo ng armadong lakas ng ASEAN, Tsina at Timog Korea o 10+3" na idinaos kahapon sa Shi Jiazhuang, lunsod sa hilagang Tsina, iniharap ng kinatawang Tsino ang konsepto hinggil sa Standing Operating Procedure o SOP ng ng pandaigdigang kooperasyong panaklolo ng 10+3 at nanawagang pabilisin ang pagbalangkas ng SOP.
Ipinahayag ni koronel Chen Shengwu, na may mahalagang katuturan ang pagbalangkas ng SOP sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyong panaklolo ng armadong lakas ng 10+3, lubos na pagganap ng papel ng armadong lakas sa saklolong panrehiyon at pagpapataas ng kakayahan ng pagharap ng kalamidad na panrehiyon.
|