Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yao Yinliang, pangalawang gobernador ng Lalawigang Shaanxi ng Tsina, na sa kasalukuyan, ang gawaing panaklolo sa mga apektadong lugar ng lalawigang ito ng lindol ay dumako na sa rekonstruksyon at pagpapanumbalik ng produksyon at tinayang matatapos sa kabuuan ang rekonstruksyon sa loob ng dalawang taon.
Sa malakas na lindol na naganap noong ika-12 ng nagdaang buwan sa Sichuan at aftershock nito na naganap noong ika-27 ng nagdaang buwan sa Shaanxi, naapektuhan ang mahigit 326 libong tao sa lalawigang ito.
Salin: Ernest
|