Binigyang-diin kahapon ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na kaugnay ng kasalukuyang gawaing panaklolo sa mga nilindol na lugar, ang pagsasaayos ng mga apektadong mamamayan at pagsasagawa ng rekonstruksyon ay nagsisilbing pinakapriyoridad. Kasabay nito, dapat din aniyang pagtuunan ng pansin ang pagpapasulong ng pambansang kabuhayan at ang buong husay na pagtataguyod ng gaganaping Beijing Olympic Games.
Winika ito ni Hu sa isang pulong kahapon na nilahukan ng mga lider ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado, iba't ibang lalawigan, mga munisipalidad at mga pangunahing departamento ng bansa.
Sa pulong, binigyang-diin din ni Premyer Wen Jiabao ang kahalagahan ng paggamot sa mga nasaktan sa lindol, pagpigil sa pagganap ng salot at pagsasaayos ng rekonstruksyon at reabilitasyon ng mga nilindol na purok.
|