Sa kanyang pagsusuri sa kalagayan ng lindol sa Lalawigang Sichuan, ipinahayag kahapon ni He Guoqiang, kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na dapat tumpak na isagawa ang pagmomonitor at pagsusuri sa iba't ibang sektor ng pamamahala at paggamit ng mga pondo at materyal na panaklolo para maigarantiya ang kalinisan sa gawaing panaklolo.
Sa kanyang pananatili sa Sichuan, espesyal na sinuri ni He ang kalagayan ng pagtanggap, pamamahala, pamimigay at pagmomonitor ng mga pondo at materyal na panaklolo. Hiniling niya na dapat igarantiya ang pagiging bukas at maliwanag ang buong kurso ng pamamahala at paggamit ng mga pondo at materyal na panaklolo at mahigpit na parusahan ang mga ilegal na aksyon sa kursong ito para makaabot ang naturang mga pondo at materyal sa lahat ng mga nilindol na purok at apektadong mamamayan.
Salin: Liu Kai
|