Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Chen Zhu, Ministrong Pangkalusugan ng Tsina, na tinanggap ng mga nasugatan sa lindol sa Sichuan ang mabuting paggamot sa ospital at natapos sa kabuuan ang malawakang pangkagipitang gawaing medikal sa nilindo na purok.
Sinabi ni Chen na hanggang sa kasalukuyan, gumaling na at lumisan ng ospital ang 79008 nasugatan sa lindol at matatag ang kalagayan ng karamihan sa 14094 na nasa ospital pa.
Napag-alamang hanggang kahapon, umabot sa mahigit 100 libong person-time ang bilang ng mga tauhang kalahok sa gawaing medikal at pagpigil sa epidemiya sa nilindol na purok.
Ipinahayag pa ni Chen na sa kasalukuyan, walang naganap na malaking epidemiya ng nakahahawang sakit at biglang pangyayari ng kalusugang pampubliko sa nilindol na purok at ibayo pang isinasagawa nang malakas, maayos at mabisa ang gawain ng pagpigil sa epidemiya.
Salin: Ernest
|