Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Chen Zhu, ministro ng kalusugan ng Tsina, na buong sikap na isasagawa nang mabuti ng kanyang bansa ang gawaing medikal para sa Beijing Olympic at Paralympic Games.
Sinabi ni Chen na sa panahon ng Olimpiyada, isasagawa nang mabuti ng mga departamento ng kalusugan ang mga gawain ng paggarantiya sa kaligtasan ng pagkain at tubig inumin, pagkontrol sa paninigarilyo sa mga lugar na pampubliko at pangangasiwa sa mga mapanganib na produkto, ipagkakaloob ang mainam na serbisyong medikal sa mga estadista, panauhin, manlalaro, tagasanay, tagahatol at opisyal ng iba't ibang bansa at organisasyon at igagarantiyang walang magaganap na paggamit sa pagkakamali ng mga manlalaro ng gamot na may analeptic.
Salin: Liu Kai
|