Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa Departamento ng Edukasyon ng Lalawigang Sichuan ng Tsina na nagsisikap ang nilindol na purok ng lalawigang ito para komprehensibong mapanumbalik ang edukasyon bago ang darating na Setyembre.
Aktibong nakokolekta ng departamentong ito ang mga kinakailangang tolda, mobile classroom, teksbuk at iba pang materyal at isinasaayos ang paglilipat ng mga estudyente sa iba pang lugar para sa pag-aaral.
Hanggang sa kasalukuyan, napanumbalik na ang takbo ng mahigit 70% paaralan sa nilindol na purok ng Sichuan.
Salin: Liu Kai
|