Sa porum sa kabuhayan ng Olimpiyada na idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ng mga kalahok na opisyal at iskolar na Tsino at dayuhan na pagkaraan ng Beijing Olympic Games, patuloy na bubuti ang kabuhayang Tsino.
Ipinahayag ni Fan Gang, ekonomistang Tsino, na sa pamamagitan ng Olimpiyada, mas mainam na makakalahok ang Tsina sa pamilihang pandaigdig at ibayo pang mapapataas ang kalidad ng sistemang pangkabuhayan ng Tsina.
Sinabi naman ni Gerhard Heiberg, tagapangulo ng Komisyon sa Pamilihan ng International Olympic Committee, na ang pagdaraos ng Olimpiyada ay makakatulong sa pagtanggap ng Beijing at Tsina ng mas maraming pansin at ang epektong ito ay tatagal nang di-kukulangin sa 10 taon.
Tinukoy pa ng mga kalahok na ang Olimpiyada ay hindi siyang tanging elemento sa tunguhin ng kabuhayang Tsino at ang epektong dulot ng subprime mortgage crisis ng E.U., mataas na presyo ng langis at pagkaing-butil sa daigdig at presyur sa implasyon ng Tsina ay makakaapekto rin sa kabuhayang Tsino pagkaraan ng Olimpiyada.
Salin: Liu Kai
|