Nitong nakalipas na ilang araw, kupuwang binigyan ng mediang Hilagang Koreano at Governor General ng Kanada ng mataas na papuri ang gawaing panaklolo ng Tsina sa napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan.
Sinabi ng ulat ngayong araw ng Minju Choson, pinakamalaganap na pahayagan ng gabinete ng Hilagang Korea na pagkaraang maganap ang lindol, sa patnubay ng Partido Komunista at pamahalaan ng Tsina, isinasagawa ng mga sundalo at mamamayang Tsino ang gawaing panaklolo at magkakasamang nagkokonsetra sa rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad.
Sa ngalan ng kanyang pamahalaan, muling nagpahayag kahapon si Michaelle Jean, Governor General ng Kanada, ng kanyang pakikidalamhati at pangungumusta sa mga kasuwalti at napakalaking kapinsalaan ng ari-arian ng Tsina na dulot ng lindol na ito at ng pakikiramay sa mga apektadong mamamayan, binigyan din niya ng mataas na papuri ang gawaing panaklolo ng Tsina.
Salin: Vera
|