Sa pag-oorganisa ng kawanihan ng pangangalaga sa kapaligiran ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, natapos kamakailan ng mga kinauukulang dalubhasa ang "ulat hinggil sa komprehensibong pag-aanalisa sa kalidad ng kapaligiran ng mga nilindol na purok". Ipinalalagay ng mga dalubhasa na di-malinaw ang epekto ng lindol sa kalidad ng kapaligiran ng mga nilindol na purok.
Hanggang kamakalawa, pagkaraan ng pag-aanalisa at paghahambing sa mahigit 200 libong data ng pagmomonitor na natamo ng emergency group ng pagmomonitor sa kapaligiran ng kawanihang ito mula sa mga nilindol na purok, ipinalalagay nilang sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kondisyon ng kalidad ng tubig sa pinagmumulan ng tubig-maiinom sa mga nilindol na purok at medyo maliit ang epekto ng lindol sa kalidad ng hangin at pinagmumulan ng tubig-maiinom sa mga nilindol na purok.
Salin: Vera
?
|