Magkasamang idinaos kahapon sa Paris ng embahadang Tsino sa Pransya at Olympic Committee ng Pransya ang aktibidad bilang pagdiriwang sa 50-araw na countdown ng Beijing Olympic Games.
Sina Bernard Laporte, kalihim ng estado ng Pransya na namamahala sa mga suliraning pampalakasan, Henri Serandour, tagapangulo ng Olympic Committee ng Pransya at Kong Quan, embahador na Tsino sa Pransya ang lumahok sa aktibidad na ito at bumigkas ng talumpati. Pawa silang umaasang makakapagtamo ang mga manlalarong Tsino at Pranses ng namumukod na tagumpay sa Olimpiyadang ito.
Salin: Sissi
|