Natapos ngayong araw ang Beijing Olympic torch relay sa Lhasa, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina.
Sa seremonya ng pagtapos ng paghahatid, ginamit ng mga torchbearer ang mga apoy mula sa Athens at Mt. Qomolangma para sindihan ang kaldero.
Bukas, isasagawa ang torch relay sa Lalawigang Qinghai sa dakong kanluran ng Tsina.
Salin:Sarah
|