• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-06-21 16:48:13    
UNICEF, patuloy na mag-aabuloy sa mga nilindol na purok ng Tsina

CRI

Sinabi kahapon sa Geneva ni Veronique Taveau, tagapagsalita ng United Nations International Children's Emergency Fund o UNICEF, na iaabuloy ng organong ito sa nilindol na purok ng Lalawigang Gansu ng Tsina ang 200 tolda na gagamitin bilang pansamantalang paaralan, 60 libong pakete ng kagamitan para sa mag-aaral at 2 libong pakete ng kagamitan para sa guro.

Sinabi ni Taveau na ang naturang mga bagay ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng mga bata sa naturang purok ng normal na pamumuhay at pag-aaral sa lalong madaling panahon.

Sinabi rin ni Taveau na pinarating na sa naturang purok ang 80 libong damit na pambata at 4 na ambulansiya na iniabuloy din ng kanyang organo

Salin:Sarah