Aktibong isinasagawa ngayon ng mga pangunahing lugar na panrelihiyon ng Beijing ang paghahanda para magbigay ng mabuting serbisyo sa mga panauhing dayuhan sa panahon ng Beijing Olympic Games.
Napag-alamang sa panahon ng Olimpiyada, isasagawa ng mga pangunahing Catholic churches ng Beijing ang misa sa ilang wikang dayuhan at ipapadala ng Catholic Archdiocese of Beijing ang mga boluntaryo sa Olympic Village para magkaloob ng serbisyong panrelihiyon sa mga manlalaro.
Napili na naman ang 12 moske sa Beijing para tanggapin ang mga Islam at ipapadala rin ng Beijing Islamic Association ang mga boluntaryo sa Olympic Village.
Salin: Liu Kai
|