Itinatag kamakalawa sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ang sentro ng pagpapalitan ng kultura at sining ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagsasanay sa kabataan. Ang mga batang opisyal at mahigit 100 kinatawan ng mga batang alagad ng sining na lumalahok sa aktibidad ng camp ng mga bata ng Tsina at ASEAN sa taong ito ay dumalo sa seremoniya ng pagtatatag.
Pagkatapos ng pagtatatag ng naturang sentro, oorganisahin ang Porum na Akademiko ng Tsina at ASEAN hinggil sa paglilikhang pangkultura at pansining at ibang pang aktibidad na may kinalaman sa temang ito.
Ipinahayag ng kinauukulang tauhan ng panig Tsino na ipagkakaloob ng naturang sentro ang isang plataporma ng pagpapalitan para sa batang alagad ng sining at ang pagkatig at serbisyo para sa pagsasanay at edukasyon sa mga talento ng batang alagad ng sining
Salin:Sarah
|