Sa ngalan ng konseho ng estado ng Tsina, iniulat ngayong araw sa Beijing sa Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC ni Hui Liangyu, pangalawang Premyer ng Tsina at pangalawang puno ng kuwartel na namumuno sa gawaing panaklolo, ang kalagayan ng gawaing panaklolo sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad.
Ayon sa ulat, ang kasalukuyang mahalagang gawain ng konseho ng estado ay kinabibilangan ng maayos na pagsasaayos ng pamumuhay ng mga sinalantang mamamayan, komprehensibong pagsasagawa ng gawain ng pagpigil sa epidemya, pagpapabilis ng pagkukumpuni ng mga imprastruktura, pagpapanumbalik ng produksyon sa sinalantang purok sa lalong madaling panahon. Siyentipikong babalangkasin ng konseho ng estado ang plano ng rekonstruksyon at ang mabuting patakaran para rito.
Salin: Ernest
|