Nangulo kahapon ng hapon si Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa ika-22 pulong ng pamunuan ng Konseho ng Estado sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok para pag-aralan ang gabay na palagay sa rekonstruksyon pagkaraan ng lindol.
Isinaayos sa pulong ang mga pangunahing tungkulin ng rekonstruksyon na kinabibilangan ng pagkumpuni sa mga sinirang pabahay, pagpapanumbalik at muling pagtatatag ng pasilidad ng serbisyong pampubliko, pagbuo at pagsasakumpleto ng sistema ng pagpigil at pagbabawas sa epekto ng kalamidad at pagpapalakas ng pangangalaga sa ekolohiya at pagsasaayos sa kapaligiran.
Salin: Vera
|