Binuksan ngayong araw sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya, ang 3 araw na pagtatanghal ng bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kambodya bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Isinalaysay ni Cham Prasidh, Ministro ng Komersiyo ng Kambodya, na ipapakita ng naturang pagtatanghal sa publiko ang natamong bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa antas na opisyal at di-pampamahalaan ng Tsina at Kambodya.
Sa seremonya ng pagbubukas ng pagtatanghal, sinabi ni Zhang Jinfeng, embahador na Tsino sa Kambodya, na nitong nakalipas na ilang taon, masigla ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kambodya, iba-iba ang porma ng kooperasyon, malawak ang larangan ng kooperasyon at kapansin-pansin ang bunga nito.
Sinabi naman ni Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, na nagbigay ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa Kambodya ng maraming tulong na walang bayad at preperensyal na pautang at humihigpit at tumitibay ang pagkakaibigan ng mga pamahalaan at mamamayan ng dalawang bansa.
|