Dumating ngayong araw sa Beijing si Samak Sundaravej, Punong Ministro ng Thailand para pasimulan ang kaniyang 4 na araw na opisiyal na pagdalaw sa Tsina.
Sa panahon ng kaniyang pananatili sa Tsina, magkahiwalay na makikipagtagpo kay Samak sina Pangulong Hu Jintao at Premyer Wen Jiabao ng Tsina.
Si Samak ay dumalaw sa Tsina sa paanyaya ni Wen at ito ay kaniyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina sapul maihalal siya bilang punong ministro ng Thailand noong Enero ng taong ito.
salin: Ernest
|