Nakipag-usap ngayong araw dito sa Beijing si Premiyer Wen Jiabao ng Tsina kay Samak Sundaravej, dumadalaw na Punong Ministro ng Thailand.
Mataas na pinapurihan ni Wen ang pagkakaibigan ng 2 bansa at iminungkahi niya hinggil sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkaibigan at pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan ng 2 panig, alalaong baga'y, pananatilihin ang pagpapalitan sa mataas na antas, pahigpitin at palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, pataasin ang lebel ng kooperasyon sa iba't ibang larangan at magkasamang pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN para maigarantiya ang maalwan at matatag na pag-unlad ng kooperasyon ng Saligang Asya.
Sinang-ayunan ni Samak ang mungkahi ni Wen, sinabi niyang nakahandang magbigay ng ambag, kasama ng Tsina, sa estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at kooperasyon ng Saligang Asya.
salin:wle
|