Idinaos ngayong araw sa Beijing ng mga kinauukulang departamento ng Tsina at Hapon ang isang simposyum hinggil sa kooperasyon sa rekonstruksyon pagkaraan ng napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Kalawigang Sichuan ng Tsina. Lumahok sa simposyum ang halos 100 opisyal, dalubhasa at iskolar ng dalawang bansa.
Ang naturang simposyum ay itinaguyod ng Ministri sa Pabahay at Konstruksyon ng Lunsod at Nayon ng Tsina at Ahensiya ng Pandaigdigang Kooperasyon ng Hapon. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng panig Hapon na umaasang, sa pamamagitan ng simposyum na ito, isasalaysay sa Tsina ang mga karanasan at teknolohiya ng Hapon hinggil sa rekonstruksyon pagkaraan ng lindol bilang reperensya ng Tsina sa mabilis at maalwang pagsasagawa ng rekonstruksyon pagkaraan ng lindol at pagtatakda ng plano hinggil dito.
Salin:Sarah
|