Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Bi Xiaogang, pangalawang puno ng Kawanihan ng Tubig ng Beijing, na sa panahon ng Beijing Olympic Games, may lubos na garantiya sa tubig na gagamitin para sa pamumuhay sa Beijing.
Sinabi ni Bi na sa kasalukuyan, umabot na sa isang bilyong metro kubiko ang bolyum ng naiimbak na tubig sa ilang malalaking reservoir sa Beijing at sapat na sapat ito para sa paggamit sa panahon ng Olimpiyada.
Napag-alamang para maigarantiya ang kaligtasan at kalidad ng pagsuplay ng tubig sa panahon ng Olimpiyada, naglaan na ang Beijing Waterworks Group ng halos 3 bilyong yuan RMB.
Salin: Liu Kai
|