Sa kahilingan ng prepekturang bayan ng lahing Qiang ng Beichuan ng lalawigang Sichuan, sinimulang maglinis ngayong hapon ang mahigit 300 kawal ng guho nito para pangkagipitang iligtas ang mga pamana at dokumento nito. Ayon sa pagtaya, tatagal nang 3 araw ang prosesong ito.
Ang naturang mga pamana at dokumento ay mahalagang batayan para mapanumbalik ang rekonstruksyon ng kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan ng Beichuan at kultura ng lahing Qiang.
Salin: Ernest
|