Isinapubliko ngayong araw ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina ang proklamasyon bilang pasasalamat sa pag-abuloy at pagtulong ng iba't ibang sirkulo ng lipunan sa mga nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan ng Tsina.
Anang proklamasyon, pagkaraang maganap ang napakalakas na lindol sa Sichuan, nagpahayag ang maraming pamahalaang dayuhan, organisasyong pandaigdig, iba pang organo at indibiduwal ng malalimang pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino at nagkaloob ng iba't ibang porma ng saklolo, bagay na nagpatingkad ng mahalagang papel para sa pagpawi ng mga apektadong mamamayan ng kahirapan at pagtatatag muli ng lupang tinubuan. Nagpahayag ito ng taos-pusong paggalang at pasasalamat sa lahat ng mga pamahalaan, organisasyon at personahe na kumatig sa gawaing panaklolo ng Tsina.
Biniyang-diin din ng proklamasyon na mataas na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pamamahala't paggamit ng mga ini-abuloy na pondo at material, itinakda ng kinauukulang departamento ang isang serye ng regulasyon, isinasagawa naman ng mga departamento ng pag-au-audit at pagsusuperbisa ang mabisang hakbangin at napapanahong isinapubliko ang kalagayan ng paggamit ng naturang mga pondo at material upang tanggapin ang pagsusuperbisa ng iba't ibang sirkulo ng lipunan.
Salin: Vera
|