Ipinahayag kahapon ni Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina, na pabubutihin ang iba't ibang gawain sa pinal na yugto ng paghahanda para sa Olimpiyada at igagarantiya ang tagumpay ng Beijing Olympics at Paralympics at ikasiya ng kumunidad ng daigdig, mga manlalaro ng iba't ibang bansa at mga mamamayang Tsino.
Nang araw ring iyon, maringal na idinaos sa Beijing ang pulong hinggil sa gawain sa panahon ng Olimpiyada. Sa pulong na ito, sinabi ni Xi na dapat buong sikap na pabutihin ang gawaing panseguridad ng Olimpiyada at igarantiya ang pagsasakatuparan ng target ng ligtas na Olimpiyada.
Salin: Ernest
|